May bago kang invite para sa business opportunity meeting nyo sa office. Dumating naman on time ang prospect mo.
At ngayon...
Ano yung kadalasang tinatanong mo sa prospect after niya mapanood or makita yung business presentation nyo?
Naglaro ba sa isip mo kung ano bang maganda o dapat itanong sa isang prospect pagkatapos nyang mapanuod o mapakingan ang iyong business presentation?
Tipong para bang ang dami mong gustong sabihin o itanong sa kanya?
Eto din yung tanong ko nuon.
Yung ibang upline ang itinuturong unang itanong ay yung mga nakakatawang closing lines na tulad ng..
“Jo-join ba o sasali?”
Yung iba naman, ang turo ay tanungin mo lang kung..
"Ano sa tingin mo?"
"Ano sa palagay mo?"
"Kumusta yung business?"
Etc..
Ok lang naman na tanungin mo ang prospect mo ng mga ganun pero kadalasan kapag tinanong mo sila ng ganito ay unang iisipin nya ay yung mga hindi nya naintindihan, o kaya naman ay yung mga hindi nya nagustuhan. Sasalubungin ka nya ng kanyang mga negative objections.
My advice.. wag mo gagamitin ang mga ganitong klase ng mga tanong kung ayaw mo makatanggap ng mga negative feedback at objections!
So ano ang dapat na itanong?..
In my experience sa Philippine MLM industry, natutunan ko na ang pinaka the best at unang question na dapat itanong sa isang prospect pagkatapos ng business presentation ay ito..
“Ano yung pinaka-nagustuhan mo sa napanuod mo?”
Or..
“Ano yung pinaka-nagustuhan mo sa napakingan mo?”
“Ano yung pinaka-nagustuhan mo sa seminar?”
“Ano yung pinaka-nagustuhan mo sa presentation?”
“Ano yung pinaka-nagustuhan mo sa opportunity?”
Ang Key Word sa mga questions na ‘to ay yung salitang “Pinaka Nagustuhan”.
Kapag ganito ang tinanong mo sa prospect mo after ng presentation, mag iisip sya kung ano yung part ng presentation ang tingin nya ay mag bebenefit sya ng higit.
Babalikan nya sa isipan nya kung saan sya naging pinaka interesado.
In that way, ang puros sasabihin nya lang ay mga positive feedback. Mostly walang objections at negative feedback.
Pagkatanong mo sa kanya, ang susunod na kaylangan mong gawin ay pakingan maige ang isasagot nya dahil dun sa isasagot nya, dun ka magkakaroon ng clue kung ano yung “hot button” nya.
Magkakaron ka ng magandang idea kung saan ka mas magfofocus sa pag follow up at sa pag continue ng pag educate sa prospect mo.
For example..
Kung ang sinabi sa‘yo ng prospect mo na pinaka-nagustuhan nya ay yung products, mas mag focus ka sa pag explain ng benefits ng inyong mga products o kaya naman ay ipakita mo sa kanya yung mga real testimonies ng mga users about sa ganda ng products mo.
Kung ang nagustuhan naman ng prospect mo ay yung kitaan o yung idea ng additional source of extra income, mas magfocus ka sa pag highlight o sa detalyeng pag explain ng iyong marketing plan.
Kung ang nagustuhan naman ng prospect mo ay yung idea ng time at financial freedom, ipaliwanag mo sa kanya kung paano nya ma-a-achieve yun sa tulong ng iyong opportunity.
Basta tandaan mo lang yung question na‘to..
“Ano yung pinaka-nagustuhan mo sa _________?”
Kung ano man yung isasagot nya, dun ka mag-focus para mas ma-educate mo pa ang iyong prospect. Para mas madali mong masabi sa kanya yung mga right words para ma-close mo ang sale.
I hope nakatulong sa‘yo ang short article na ‘to.
Ikaw ano yung pinaka - nagustuhan mo sa article na ‘to? ;-)
Write it down in the comment below.
Huwag mo kakalimutan mag-Like. :-)To your success!
- Christian Rogelio
Internet Entrepreneur / Marketer / Leader
P.S. - Please Click the Share button and Type Your Comments below.
P.P.S. - Learn How To Make Money Online WithOUT Inviting, WithOUT Presenting & WithOUT Any Rejections. CLICK HERE NOW!!!
I think you Plagiarized the SMD.
TumugonBurahin