Miyerkules, Hulyo 20, 2016

How To Handle Objections Effectively






Isa sa kinakatakutan ng maraming Entrepreneur ay ang mga iba’t ibang objections na ibabato sa kanila ng kanilang mga prospects. Actually, ito din yung mga kinakatakutan ko noon.
Pero nung inaral kong mabuti, nag-invest ako ng time, effort and money ko para lang matutunan kung paano ba talaga mama-MASTER ng lubusan ang mga iba’t ibang klase objections na’to…



Nagagawa ko nang makapag-close ng sales ng sunod-sunod.
Then ginawa kong simple ang mga kumplikadong explanation na yun dito, ginawa ko ang blog post na ito para maipaintindi sayo ng lubusan kung paano ba kadaling i-handle ang mga objections ng mga prospects mo.
3 Steps lang ang ituturo ko sayo and mararamdaman mo na sobrang powerful pala kapag alam mo na yung 3 powerful steps na ito.

“3 Powerful Steps To Master Handling Objections”

Step 1: Ask Powerful Questions


– Identify the real reason of that objections by asking the right questions




Step 2: Listen Very Carefully To The Answer

– Listening to their answers to learn the real reason of that objections



Step 3: Tell Story/Analogy or Educate Them To Handle The Objections

– Handling or Answering the objection by using the Stories/Analogy or 3rd Personal Testimonials



Napaka-simple lang di ba? Pero napaka-powerful niyan kapag inaapply mo na sya at kapag nagawa mo na.
Step 1: Identify the real reason of that objections by asking the right questions (Ask Powerful Questions)


Dito sa strategy na ituturo ko sayo, ang gagawin mo lang ay alamin ang tunay na ugat nang kanilang objections sa pamamagitan ng pagtatanong.


Simple lang di ba? Pero walang gumagawa nito at wala ding nagtuturo dahil karamihan sa mga ibang networkers ay dinedepensahan agad nila ang isang objections.


See the sample scenario below…
Prospect: “Naku! Baka Scam ito ah?”
Networkers: “Ay hindi! Nagkakamali Ka! Tignan mo itong SEC namin... Hindi di ba?”

Kapag ganito ang sinagot mo sa prospects mo para kang defensive masyado, and mararamdaman agad nya na kinu-convince mo sya.
Kapag para kang defensive, ang mangyayari ay lalayuan ka na ng prospects mo at mas lalo lang syang hindi maniniwala sayo.
Kaylangan mong malaman kung bakit nya natanong yun, dahil kapag alam mo na kung saan nanggaling ang objection na yun, doon ka na magkakaroon ng idea kung paano ito i-handle ng maayos.
And another special tips. When you ask the questions, you controls the conversation. Kaya huwag kang papayag na tanungin ka nya ng tanungin, dapat ikaw ang laging nagtatanong para mapunta sayo ulit ang momentum para ma-handle mo ng maayos ang objections nya.
Kapag kasi sinagot mo lang ng basta basta yung mga objections na yun, ang mangyayari ay Mawawala sayo Ang control ng conversation nya. So, just to make sure na mag ask ka muna ng questions.
Ang Best Way to answer the objections is to Answer It with the questions also. Question the objections! Tignan mo itong sample sa ibaba para malaman mo kung paano ia-apply ang 3 powerful steps ng maayos at tama.

Step 1: Ask Powerful Question:
You: Hmmm. Medyo curious ako sa sinabi mo, bakit mo natanong kung scam ba ito?
Then antayin mo lang yung mga isasagot nila sayo then proceed to step 2. Kung sa tingin mo na sobrang nadalian ka sa step 1, mas madali ang step 2. :)

Step 2: Listen Very Carefully To The Answer
Anong gagawin mo? Listen! Makinig ka lang sa isasagot nila pero hindi pwedeng nakinig ka lang, kailangan ay makinig ka ng MABUTI.
Bakit? Dahil doon sa isasagot nila sa question mo ay doon ka kasi magkakaroon ng idea para malaman mo kung ano ang susunod na isasagot mo sakanila.
Pwedeng ganito yung maging reaction or sagot nila sayo.
  • Prospect: Sobrang dami kasing nababalita sa TV na scams eh. Tapos may mga kaibigan din akong na-scam.
After listening, this is the right time to do the step 3.

Step 3: Tell Story/Analogy or Educate Them To Handle The Objections
Isa sa pinaka-effective way para ma-handle ang isang objections ay sa pamamagitan ng pagku-kwento ng isang story na makaka-relate ang mga prospects mo or yung makakasimpatya sakanila.
For example yung kasing objection na Scam or Pyramiding, ang reason kung bakit may ganito silang objection ay dahil natatakot lang silang ma-scam or maloko.
Syempre ba naman, sino ba naman sa atin ang may gustong maloko di ba? Kahit ikaw siguro dati ay may objection din.
So para ma handle mo ito, makisimpatya ka sa concern ng prospects mo.
Ganito ko hinahandle yung mga dating objections sa akin.

Telling Story:
Ikaw: I understand you (prospect name). Actually, yung objection mo today ay naging objection ko din dati. Madami kasi akong naririnig na nagsusulputang mga company na scams. Syempre, natatakot ako na maloko kaya akala ko dati, lahat ng MLM ay scams.
Nabasa mo? Nakisimpatya muna ako sa concern ng prospects ko (This is the truth, akala ko talaga dati mga scammer ang MLM or Network Marketing Business)
Ikaw: Pero na-realize ko na wala naman palang masama kung bibigyan ko ang sarili ko ng pagkakataong aralin ang business na’to. Buti nalang at inaral ko ito, dahil kung hindi, hindi na sana ako kumikita ng multiple thousands of pesos ngayon.
Ikaw: Natutunan ko na meron naman pala talagang mga scams at mga legal na business opportunity.Na-realize ko din na kahit anong industriya pa ay may mga scams at illegal na gawain.
Ikaw: May scammer na employment agency, scammer na doktor, scammer na religion. Sa mga pulis ay may tiwali at may mga matitino naman
Ikaw: Sa gobyerno may mga kurakot at may mga tapat na naglilingkod sa bayan. Ganun din dito sa Business Opportunity/Network Marketing Business, may mga illegal at legal or totoong business opportunity. Gusto mo bang ituro ko sayo ang pagkakaiba ng legal sa illegal?
Sagot ng prospects mo…
Prospect: Tama nga ang sinabi mo, sige. Ituro mo sa akin. Paano ba?
Ano napansin mo? Di ba na-control mo ang conversation nyo? Nagawa mo syang i-handle ang objection na yun by doing the 3 powerful steps? :)
Okay sige, bibigyan pa kita ng another example kung paano pa i-handle ang iba pang objections.

Objection #2: “Busy Ako”

Prospect: Hindi ko magagawa ang business na’to, dahil busy ako.
Ikaw: Pwede ko bang malaman kung anong ibig mong sabihin na busy ka?
Prospect: Busy ako dahil may work po ako. Wala akong time para gawin ang business na’to.
Ikaw: Alam mo, naiintindihan kita… Sa totoo lang nung unang na-introduce ako sa ganitong klase ng business, sinabi ko din yang word na sinabi mo. Nagtatrabaho din ako nun para sa family ko kaya busy ako. Pero alam mo kung ano yung na-realize kong bigla?
Prospect: Ano yun?
Ikaw: Akala ko nagtatrabaho ako para sa family ko. Pero ang totoo nagtatrabaho pala ako para sa BOSS KO! Nagpapakahirap ako ng sobra sa trabaho habang sumasahod ng income na hindi ko naman ganun kagusto. Nagtatrabaho ako ng sobra para payamanin ang company or yung owner at ang boss ko. Naisip ko na itong ginagawa kong HARDWORKING,
Ikaw: “bakit hindi ko nalang gawin sa SARILI ko. Bakit kaya hindi na lang ako mag start ng sariling business para naman ng sa ganun kahit na hardworking ako, atlis business ko to at malayo ang mararating nito. MAS mabibigay ko ang needs ng family ko if may sarili akong business.”
Ikaw: Yung ibang tao nagtatrabaho ng 8-10hours a day para sa mababang sahod na alam naman nila na hindi sapat yun para matupad ang mga dreams nila.
Ikaw: Ilang taon kana nga (prospect name) ?
Prospect: 25 Years Old…
Ikaw: Tanungin kita, ilang taon kaya ang gusto mong taon para ka maging mayaman? 30 years or 5 years?
Prospect: Syempre, 5 years.
Ikaw: Now, sa tingin mo… Diyan sa work mo ngayon, magagawa mo kaya ng 5 years yan?
Prospect: Sa tingin ko hindi…
Ikaw: Tama ka, habang buhay kana diyan sa work mo… Ngayon tatanungin kita… Gusto mo yung ganun or sa mga oras na’to ay na-realize mo na?
Prospect: Na-realize ko na. Thank you. Salamat ng marami…
Simple! That’s how to handle this kind of objections.

Objection #3: Yayaman Ba Ako Diyan/Sigurado Ka Bang Kikita Ako Diyan?

Yung mga ganitong klase ng objection ay SOBRANG dali lang i-handle, kaya lang nagiging kumplikado ito dahil natatakot ang isang networkers na kapag sinabi nya ang totoo ay hindi na ito magjo-join.
Kaya sinasabi nila agad na… “OO NAMAN!”
Pero ako, hindi ganito. Ang professional na sagot para dito ay… “HINDI KO ALAM”
Ganyan dapat, lagi mong tatandaan na dapat ay lagi kang HONEST.
Prospect: Kikita ba talaga ako dito at yayaman?
Ikaw: Gusto mo ba ng honest na sagot?
Prospect: Oo naman!
Ikaw: Hindi ko alam.
Prospect: Ay? Bakit hindi mo alam?
Ikaw: Tama ang narinig mo, hindi ko alam. Gusto mo bang malaman kung bakit hindi ko alam ang sagot diyan sa tanong mo?
Prospect: Yes, bakit?
Ikaw: Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin mo kapag sumali ka. May 3 bagay lang ang mangyayari sayo kapag nag-join ka.
1. Wala kang gawin dito at wala ka ding kikitain.
2. Konting effort ang gawin mo, konti lang din ang kita.
3. MALAKING effort gawin mo at siguradong MALAKI din ang kikitain mo.
Ikaw: Gusto kong malaman mo na ang papasukin mong business ay hindi investment, gusto kong malaman mo na ang papasukin mong business ay isang OPPORTUNITY at hindi isang business GUARANTEED.
Ikaw: Depende sa effort na gagawin mo ang kikitain mo, ngayon tatanungin kita. Ano ang gusto mo? Wala, Maliit or Malaki?
Prospect: Tama nga ang mga sinabi mo, okay… Gusto ko yung Malaking Kikitain.
Ikaw: Okay good! Kailan mo gustong simulan ang mag eeffort ng malaki? Today or Bukas?
Ano sa tingin mo? Di ba napaka-powerful ng 3 Steps To Master Handling Objections?
Sa ganitong klase ng objection dapat lang na maipaunawa mo agad sa prospects mo na ang totoong kitaan ay manggagaling mismo sa kanya. Depende sa effort na gagawin nya.
Let them know na as their Sponsor… tuturuan at iga-guide mo lang sila but ultimately, SILA ang magde-determing ng kanilang Success.
May risk sa lahat ng business opportunity. Yung ino-offer mo sakanila ay hindi guaranteed kundi isang OPPORTUNITY.
If they are looking for a sure thing, then tell them na hindi pa sila handa para maging isang entrepreneur. All businesses have a risk attached.

Objection #4: Ang Mahal Naman Ng Pay-In?

Para magawa mong ma-handle yung ganitong klase ng objections, use your results or leverage someone in your company’s results. Make them realize something very important.
Prospect: Ang mahal naman ng pay-in at investment?
Ikaw: I understand kung bakit nasabi mong mahal yung pay-in and I know na may dahilan ka kung bakit mo ito nasabi mo na mahal itong_______. Ano ba yung dahilan mo?
Prospect: Ah kasi… Blah Blah Blah…
Ikaw: Okay, naiintindihan kita. Actually, ganito din yung sinabi ko noon nung pinakita ito sa akin at bago ako sumali. Pero…
Kung may results kana, gamitin mo yun.
Ikaw: May gusto lang muna akong i-share sayo. Yung short story ko. Nung sumali ako dito ay nag-invest din ako ng________. And now nagagawa ko ng kumita ng_______ (double and triple pa yung bumalik sa akin).
Ngayon tatanungin kita, Tingin mo “possible” ba na mas malaki yung babalik sayo once na mag-join ka dito sa (Name Of Your Business Opportunity)?
Kung bago ka palang, share mo yung story ng isa sa mga successful distributors ng company mo.
Ikaw: Share ko lang saglit yung story ni________, Dati nung nagsisimula palang sya sa ganitong klase ng business, nag invest din sya ng_________ at now kumikita na sya ng___________.
Tanungin kita, sa tingin mo “POSSIBLE” ba na double double ang babalik sayo kumpara sa ilalabas mong pera kung magjo-join ka ngayon at kung gagawin mo ang business na’to?
This is very powerful answer doon sa objection ng prospects mo. Magagawa mong mapa-realize sakanya yung sobrang ganda ng consequences kapag nag join sya and…
Una, dahil nakisimpatya ka sakanya.
Pangalawa, pinaintindi mo sakanya na malaki yung yung POSSIBLE na bumalik sakanya kung gagawin nya ang negosyo.

Blog Source: MLM Mastery Academy

Take note: Tinanong mo sya na POSIBLE ba, hindi mo sinabi na guranteed pero subconciously sinabi mo na sa kanya na sobrang sulit ang business na ino-offer mo sa kanya.
OKAY! That’s It! Sa ngayon ito lang muna yung ituturo ko sayo kung paano ma-master ang pag handle ng objections to close more sales.
If you want to learn more about me…


P.S. - Please Click the Share button and Type Your Comments below.

P.P.S. - 
Learn How To Make Money Online WithOUT Inviting, WithOUT Presenting & WithOUT Any Rejections. CLICK HERE NOW!!!






Your Bro
- Christian Rogelio

Internet Entrepreneur/Marketer/Leader


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento